Tapos ng maglinis. Nagpapaalam na sa upuan at binabati ng halik ang silid. Nasa orasan ang tingin mo. Kapag titigan ko kaya ng maigi ang orasan makikita ko kaya ang kahapon? Malalaman ko kaya ang nilalaman ng puso mo?
"Sakali bang maghanap ako ng bago, matatanggap mo?" tanong mo sa'kin pero sa orasan ka rin nakatitig.
"Nakahanap ka na ba?" ang tanging tugon ko.
"kung ika'y sasang-ayon"
"Kung ako ang tatanungin mo, matatanggap ko naman".
"Salamat"
Pero hindi ibig sabihin na tangap ko ay kakalimutan ko na kung ano tayo... O siya gumagabi na kaibigan, mauna na ako , baka mag-alala pa sa'kin ang aking mga magulang.
Gumagabi na, patuloy sa pagtakbo ang oras. Nagpaalam matapos halikan ang silid... at kinabukasan ay babating muli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento